914
naranasan mo na bang magMahal ng sobra
sobra yong tipong wala ka ng tira kahit
kunti para sa sarili mo..

i did,

sobra, alam mo yong pakiramdam na sya na
lang lagi mong iniisip, sya na ang lahat
sayo, na kapag nawala sya ikamamatay
mo...

sobrang mahal ko sya... feeling ko nga
ngaun lang ako nagmahal talaga.. pero
lately ang dami kong takot na naiisip..

i am thinking of giving up.. not because
may prob kami.. so totoo lang wala eh.
alam kong mahal na mahal nya rin ako, di
dahil yon ang sabi nya.. kasi talagang
nararamdaman ko na mahal nya talaga
ako.. pero ang problema sa sobrang
pagmamahal ko sa kanya.. sinasarili ko
na sya.. na kami na talaga in the end..
pwede naman sana eh..

but, magkaiba kami ng gusto.. naniniwala
sya sa endless love, di ako naniniwala
don.. kasi walang constant sa mundong
to, lahat nagbabago.. kung may fall
inlove ,di may fall out of love din
diba?? at nangyari na sakin yan.. i
learn from that na sa isang relationship
di lang love ang mahalaga.. yong
commitment mo sa isang tao. Ang dami
kong promise na di natupad sa past
relationship ko.. at ayokong maulit yon
ngayon..

ok, im afraid of a failure relationship.
'to ang narealize ko. naghahanap sya ng
endless love, ako gusto ko ng endless
relationship.. pano pag na fall out of
love sya?? pano ako??.. di nya daw ako
iiwan, pero not the way i want it..
mananatili sya sakin as friend. pwede ba
yon??.. grow old with you, yon ang gusto
ko.. pero pwd ba un??,,

i'l stay with you as long as i live..
pero sya, mananatili sya sakin hanggat
mahal nya ko..
nakakapraning sobra,, kasi kala ko for
keeps na talaga.. gustong gusto ko
sabihin sa kanya na iwan nya na ako
ngayon pa lang.. na hayaan ko na lang
itago kung ano man nararamdaman ko sa
kanya.. duwag na kung duwag, pero takot
akong masaktan.. kahit nga nagseselos
ako diko hinahayaan pasukin non ang puso
ko, kasi ayokong mabawasan man lang
kahit kunti pagmamahal ko sa kanya.

normal pa ba ako??.. i let go ang
tanging taong nagparamdam sakin kung ano
tlaga ang tunay na kahulugan ng
unselfish love.. oo sinasarili ko sya..
pero hinahayaan ko sya sa lahat ng gusto
nya kasi yon ang makakapag pasaya sa
kanya. ni hindi ko iniisip ang sarili
kong happiness. kasi bat ko iisipin sya
nga yong happiness ko di ba, lahat ng
makapag papasaya sa kanya ibibigay ko..
gagawin ko..

ang tanga ko nga eh, kasi kung ano yong
hinahanap ko sa kanya, may isang tao na
gustong bumigay non sakin.. ilang beses
kong tinanggihan kasi sya ang gusto ko
na magbigay non eh..

sabi sakin ng friend ko, wag daw akong
mag give up.. hanggat may love daw wag
akong bibitaw.. na wag daw ako ang
maunang bumitiw.. naisip ko tama nga,
mas masarap na iniwan ka na nagmamahal
parin.. kaysa iwan mo ang taong
minamahal ka.

lam ko kaya nyang mabuhay na wala ako sa
buhay nya, sana magkatulad kami don..
pinagaaralan ko na ngayong icontrol
lahat ng emotion ko.. kasi kapag
hinayaan ko.. mas lalo ko pa syang
minamahal eh.. di mas lalong mahirap
kapag dumating sa point na di nya na ako
mahal di ba??

masakit na mahirap.. kasi masaya akong laging pinaparamdam sa kanya lahat ng andito sa puso ko..

sana lahat kaya ko....

sana..
1 Response

Post a Comment