914
zwani.com myspace graphic comments


maniwala ka sana

akala ko kaya ko ang lumayo sa piling mo
oo ngat kumakain at humihinga pa ako
ngunit buhay koy hindi na naging kumpleto
simula ng sabihin mong magkanya kanya na tayo

nahihirapan ako at nahihirapan ka rin
sa pagmamahalan na binuo natin
naisin ko man na tayo ay magkabalikan
ngunit di ko magawa pagkat puso moy ayoko ng saktan

ngayong wala ka na, walang magawa kundi ang isipin ka
umaasa na bumalik ka, kahit alam kong hindi na
akoy nangungulila na pagmamahal moy muli pang madama
at pawiin ang lumbay, na sa puso kong unti unting pumapatay

mahal ko patawad sa mapapait at luhang pumatak
sa mga masasakit na salita galing sa puso kong mapaghanap
sa mga pagkukulang ko sayo at mga panunumbat
akoy nagkamali, nagsisisi at patawad ang hinihingi

sobrang mahal kita ikaw lang at wala ng iba
buhay koy naging masaya simula ng makilala ka
problema koy gumagaan dahil sayo sinta
sana kahit wala ka na hayaan mo pa rin akong mahalin ka
dahil kahit sa ganito, akoy masaya na


mahal kita noon, ngayon at bukas pa
puso ko'y baunin mo san ka man mapunta
pagkat 'to ay sayo lang at sa ibay di na titibok pa
maniwala ka sana, pinakamamahal kita at akoy di na maghahanap pa


zwani.com myspace graphic comments



914


Hindi ko inaasahang puso ko'y mabibihag
Ng isang binibining ni minsan di ko pinangarap
Pagkat ako'y naging mapanghusga sa kanyang katauhang panlabas
Ngunit ganun pa man ang puso koy sa kanya nainlove

pinilit kong pigilan kung ano man ang aking nararamdaman
dahil may isang tao sa buhay ko ang lubos na masasaktan
ngunit anong magagawa kung sa kanya ko natagpuan ang aking kaligayahan
Puso't isipan, pagibig nya lang ang tanging inaasam

Ngunit sa aking [agkamangha ako pala ay mahal nya rin
Walang mapagsidlan ang ligaya at naguumapaw na damdamin
Sino nga namang mag-aakala na sa ganda nya, ako ang napiling ibigin
Pinakamamahal kita, ang sinisigaw ngayon ng aking damdamin

Resyl Marasigan akoy bihag mo,at sa puso koy nagiisa ka lang
buhay koy binago mo, binigyan ng kulay at nagkaron ngayon ng kahulugan
Ngiti't kislap ng aking mata, at ang ligayang nadarama sapagkat minamahal kita
Pakinggan mo ang tibok ng puso ko, ang sinisigaw ay pangalan mo sinta

Ang pagmamahal ko sayo'y tunay, di magbabago, at di mamamatay kailanman
At sa bawat araw lalo itong lumalalim ng hindi ko mang lang namamalayan
Gagawin ko ang lahat para sayo mahal ko, yan ang iyong pakatandaan
Akoy alipin mo, iingatan ka at hindi na muling sasaktan
Pangako, kahit kailan hindi kita iiwan, pakamamahalin kita, ngayon , bukas at hanggang sa buhay na walang hanggan..
914
10 am na, di pa ako natutulog,, sweetheart ko kasi eh pinagiisip na naman ako, nag-away kasi kami kanina.. pasaway na naman kasi ako..medjo antok na nga ako kaso kapag nakahiga naman di ako makatulog..

sya kasi eh.. nagselos ba naman,, eh malay ko ba na magagalit sya pag kanausap ko friend nya,,kung alam ko na magagalit yon gagawin ko ba naman,, shunga-shunga talaga ako kahit kelan kaya ayon galit na nga nagalit pa, pagod pa naman yon sa trabaho nya.. kahit kelan talaga pasaway ako.. iiwan n nga yata ako ng tuluyan ngayon hay.. uminit din tuloy ulo ko,, maya pasok na lang siguro ako sa work.. walang magawa sa bahay eh.,

hmmm ito naman pinagkaabalahan ko.. magustuhan nya kaya?? hay wala na akong ginawa sa buhay ko magpa impress sa kanya,, ganda nya noh?? mahal na mahal ko yan :) hehehe pero ngayon ko lang nalaman na nagselos sya.. di naman pala masarap.. ayoko kasi syang nasasaktan. saka wala naman dapat na dahilan para gawin nya un.. sya lang kaya mahal ko.. at pinakamaganda sa paningin ko,, kung pwede nga na sya na lang tingnan ko mula paggising hanggang pumikit ako ok lang.. sarap eh.

natawa nga sakin c rejoice kagagaling lang nya dito kanina.. sabi ba naman "di ka naman talaga inlove jan ha?? idinikit mo pa jan ang pic nya" hehe inspiration ko yan eh lagi akong nakaharap sa monitor kaya yon dinikit ko na lang.. ok lang naman kasi wala na rin naman si bok walang makiki alam.. tsaka nagreformat kasi ng pc ung mga pic nya nwala kaya un.. kaka upload ko nga lang sa FS nya kahapon eh.. die hard noh,, hehe naalala ko mga pic nya nga pala sakin di sya ang nagbigay,. hinalughog ko lang to sa net.. ung iba sa fs, kung kanikanino na friend nya.. ung iba sa hmmm secret baka malaman nya pa hahahaha!! Stalker nya na ata ako ah! di naman ata halata eh ano magagawa ko,, mahal ko talaga eh..

tulog na tulog pa siguro ang mahal ko: 12pm pa dito ang gising nya eh..

ay ang mga naUpload ko na pic lahat pala sa room nya.. hehe di ko napansin.. mga fave ko kasi mga yan,, gawin ko kaya tong background sa FS nya.. maiba naman..

gusto ko matutunan ung maglagay sana ng mga blink blink,, eh diko alam yon sabi ni bok sabihan ko na lang daw ung visitor ko na mag close-open ng mata hehe... may point sya don ah!

Pero mabalik tayo sa mahal ko.. di ako mapalagay eh. ayoko nagagalit yon, tapos pinamimigay na ako, hay kung di ko lang alam na galit lang yon kaya ganun.. papatulan ko sya. joke.. kahit naman pagtabuyan nya ako eh sya lang tinitibok ng puso ko..sya lang hinahanap ng puso ko.. alam nya kaya yon?? ayaw na atang maniwala sa akin eh.. hay di ko naman sya niloloko ah.. ano ba gagawin ko sa kanya ayaw na ata talaga sa akin..

sa x ko di sya nagselos ng ganun sa friend nya ang lakas ha! `sus pagpalit ko ba naman sya don???!!! di ata nagiisiP!! kung magpapasaway na lang ako di sa kaibigan nya.. tsaka di ko nga gagawin yon kasi ayoko nga syang saktan,, ang ganda pa naman ng pagkaintro ko ng " sya nga pala kausap ko si mara ngayon" ang bilis ng reply Hah,, bat ko daw kinakausap.. eh kelangan pa pala talaga may dahilan.. hay.. kung sinabi ko kaya na uyab mo ako mas magagalit ka sigurado non.. hmm hirap intindihin ng mahal ko..

ayon natulog yon ng masama ang loob sa akin..

pinamimigay na nga ako eh..

`sus kung di ko lang talaga sya mahal nunca na magkaganito ako sa kanya... pero lam ko naman na mahal nya rin ako.. at pareho kami ng nararamdaman..


sana maya pag gising nya di na mainit ang ulo.. kasi di ako mapa lagay sa kakaisip eh.. pasaway kasi ang amore nya kaya un..

Ay naalala ko, speaking of amore.. ung profile ko pa pala na "amore***4*8" sa YM ang nagamit ko sa friend nya..

parang may binangit ata yon na amore ,, ewan di ko na napansin eh.. kung tanong ba yon.. kinabahan ako don ah..


`ciao'
visit 0 comments | edit post
914
Hehehe as if naman may type na type ako na ayaw sakin,
meron nga pero love nya na ako eh kaso ang layo nya..
love na love ko yon,, love nya rin naman daw ako eh sabi nya..
sa ngayon medjo minsanan lang kami magusap pareho kasing busy sa ibang bagay
sya nagwowork na at minsanan na lang magtext,,
may work na rin naman ako kaso ang schedule naman di mag match
pero kahit ganun man ok na rin kasi kahit papano naguusap pa rin naman kami
ay good news nga pala pauwi na sya dito hehehe excited ako hehehe kasi syempre makikita ko na sya sa wakas di lang sa pic..

kaso yon nga lang tagal pa bago mangyari yon sabi nya kasi sa april pa
eh anong date pa lang ba ngaun ? eh november pa lang.. sobrang tagal pa..
sana naman mga january sana nohh.. kasi sobrang miss ko na talaga sya..
kung alam nya lang kung gano ko kasaya na pauwi na sya dito..

ang dami kong namimiss sa kanya.. hmm mga ano nga ba?? pinakauna yong pagiging sumpungin nya
hehe alam nya kaya na namimiss ko yon? sana naman oo kasi kahit sumpungin ang mahal ko at mahirap lambingin talagang nag eenjoy ako kahit hirap na hirap sa tigas ng puso non..

sweetheart miss mo ba ako?? ano nga pala pasalubong mo sakin hehehe joke..
basta umuwi ka lang dito happy na ako.. kaw ang best gift na natanggap ko kay god eh
makasama lang kita masaya na ako kaso hmm... gusto ko wag na tayong maghiwalay kasi kung miss kita ngaun di lalo na pag nagkita na tau..

basta wag mong pabayaan sarili mo jan ha lam ko na sobrang pasaway ka minsan sakin
pero alagaan mo sarili mo para sakin ha,, lam mo naman na kapag ngkakasakit ka grabe akong nag aalala to the point na naaway na kita kaya un

pero kahit naman inaaway kita eh love parin naman talaga kita eh ...
sobrang love nga talaga..

=======================================
visit 0 comments | edit post