914


Hindi ko inaasahang puso ko'y mabibihag
Ng isang binibining ni minsan di ko pinangarap
Pagkat ako'y naging mapanghusga sa kanyang katauhang panlabas
Ngunit ganun pa man ang puso koy sa kanya nainlove

pinilit kong pigilan kung ano man ang aking nararamdaman
dahil may isang tao sa buhay ko ang lubos na masasaktan
ngunit anong magagawa kung sa kanya ko natagpuan ang aking kaligayahan
Puso't isipan, pagibig nya lang ang tanging inaasam

Ngunit sa aking [agkamangha ako pala ay mahal nya rin
Walang mapagsidlan ang ligaya at naguumapaw na damdamin
Sino nga namang mag-aakala na sa ganda nya, ako ang napiling ibigin
Pinakamamahal kita, ang sinisigaw ngayon ng aking damdamin

Resyl Marasigan akoy bihag mo,at sa puso koy nagiisa ka lang
buhay koy binago mo, binigyan ng kulay at nagkaron ngayon ng kahulugan
Ngiti't kislap ng aking mata, at ang ligayang nadarama sapagkat minamahal kita
Pakinggan mo ang tibok ng puso ko, ang sinisigaw ay pangalan mo sinta

Ang pagmamahal ko sayo'y tunay, di magbabago, at di mamamatay kailanman
At sa bawat araw lalo itong lumalalim ng hindi ko mang lang namamalayan
Gagawin ko ang lahat para sayo mahal ko, yan ang iyong pakatandaan
Akoy alipin mo, iingatan ka at hindi na muling sasaktan
Pangako, kahit kailan hindi kita iiwan, pakamamahalin kita, ngayon , bukas at hanggang sa buhay na walang hanggan..
0 Responses

Post a Comment