914
Mahal Mo Pa Ba Ako??


Mahal mo pa ba ako?
Tanong ng pusong patuloy na nagmamahal sayo
Sa gabi, sa diyos nagsusumamo,
Ibalik ka nya sakin, ng mapawi na ang lungkot simula ng ikaw ay lumayo

Di magawang humanap ng iba,
Sapagkat sa puso at isipan ko ikaw lang talaga
Ayokong manggamit ng iba para lang makalimutan ka
Dahil kahit iba ang kausap ko, sa puso ko ay ikaw parin sinta

Araw-araw umaasam na ating kahapon ay muling madugtungan
Totoo bang di mo na ako mahal at di na kayang suklian
Itong pagmamahal ko na sayo ko lang inilalaan
Ganun ba kasakit ang nagawa ko at pangalan koy binura jan sa puso mo

Sabi mo pa noon, na kahit gano kita saktan
Babalik at babalik ka sa akin dahil akoy iyong mahal
Pero napagod ka at pagmamahal mo pala'y may hangganan
Ang sakit naman, nagpaalam ka pa na may mamahalin ka na jan

Pero kahit nasasaktan ako't puso ko ay sugatan
Mahal pa rin kita at ikaw lang ang aking kailangan
True Love kasi ang sayo'y aking naramdaman
Forever, Ngayon at kailanman, in short walang kamatayan
0 Responses

Post a Comment