914

bakit ganun??? bakit pa sya dumating kung aalis din naman sya? bakit pa sya nakilala kung magiging ganun lang naman ang nangyari sa huli?
sya mahal mo pa, pero sya limot ka na. umaasa na babalikan ka nya pero sya may iba na. Masarap magmahal pero masakit masaktan. sabi nila masama ang magmahal ng sobra, kasi habang minamahal natin ang isang tao, nagiging sya ang buhay natin, at kapag dumating yong time na iiwan ka na nya mahirap i let go kasi sya ang lahat sayo eh, sya ang buhay mo, na di mo na alam pano mabuhay ng wala sya. pero mas masarap parin magmahal ng sobra kaysa kulang. Nagkamali nga siguro ako, kasi minahal ko sya ng sobra.. sobra sobra na halos di ko alam san magsisimula ngayong wala na sya. pero ganun pala talaga kapag mahal mo lahat ng makakapagpasaya sa kanya gagawin mo.. kahit kaw pa ang masaktan.. aakuin mo lahat ng sakit wag lang syang mahirapan. na kahit wala na sya.. sya pa rin nasa puso mo, na hinahanap mo sya sa bawat taong gustong magmahal sayo,, na at the end of the day iiyak ka kasi kahit sino kaharap mo sya pa rin nakikita mo. , sya parin hinahanap mo, na sana sya ang gumagawa ng mga bagay na ginagawa ng isa sayo. naipakita mo nga sa kanya na ok ka lang, na kaya mo na wala sya sa buhay mo, pero alam mo sa sarili mo na sya pa rin ang nagmamay-ari ng puso't isipan mo, na sa kanya parin umiikot ang buhay mo, na handa ka ulit masaktan bumalik lang sya. masakit na katotohanan pero kailangan tangapin na ganun klaseng pagmamahal ang naramdaman mo para sa kanya. pinipilit mong limutin sya pero kusa syang pumapasok sa isipan mo, natatakot kang lumapit sa kanya dahil baka kapag ginawa mo yon, magmakaawa ka lang na mahalin ulit nya.. na kahit kaw lang ang nagmamahal wag lang syang mawala sayo..

ang sakit kasi lahat yan pinagdadaanan ko, at sasabihin nya lang sayo, "ok lang yan. lilipas din yan" do true love really exist? sabi nya true love nya daw ako, pero nong nakaraan sinabi nya na di nya na ako mahal.. gusto ko syang paniwalaan na di nya na nga ako mahal. pero ang puso ko ayaw tangapin, tigas ng ulo eh, kasi umaasa ako na pareho parin kami ng nararamdaman. ganun lang ba kadali ang pagmamahal nya. tinanong ko sya kung bakit di nya na ako mahal .. walang sagot.. basta ganun lang daw yon.. ganun ba talaga?? pero kahit ganun pa man. mahal na mahal ko pa rin sya,, shunga nga talaga ako pero ano magagawa ko kung sa kanya ko lang naramdaman to, sa kanya lang ako masaya, sya lang ang kailangan ko, di ko alam kung babalik pa sya.. pero di ako nawawalan ng pag-asa na madugtungan ang mga nasimulan na namin.. kung sakali mang mangyari yon.. aayusin ko na ang lahat.. kasi di ko na sya papakawalan pa.. kasi sobrang napakalungkot mabuhay ng wala sya.. sana ganun din sya sakin.. sana..



my heart is yours
- - nievez® - -
visit edit post
0 Responses

Post a Comment